-- Advertisements --
Nagpaabot na ng maagang pagbati para sa nalalapit na Pasko ang mag-asawang sina US President Donald Trump at First Lady Melania Trump.
Sa kanilang final official Christmas portrait, twinning or terno ang 74-year-old US president at 50-year-old First Lady sa suot na black tuxedos.
Kuha ang kanilang larawan ng photographer na si Andrea Hanks habang nasa grand staircase ng White House.
Naka-bowtie si Donald habang si Melania ay cropped black pants at hindi nakalimutan ang kanyang trademark na spiky heels.
Sinasabing noong nakaraang taon ay walang Christmas photo entry ang mag-asawang Trump, dahilan upang abangan ito ngayong 2020. (OMG)