-- Advertisements --

Umaasa si US President Donald Trump na magkakasundo ang Chinese central government at Hong Kong demonstrators na patuloy na nagpoporotesta upang hindi tuluyang maipatupad ang extradition bill sa Hong Kong.

Sa unang pagkakataon ay inamin ni Trump na ito na ang kauna-unahang demonstrasyon na kanyang nakita kung saan nagsama-sama ang milyon-milyong mamamayan upang tuligsain ang nasabing panukalang batas.

Ayon kay Trump0, naiintindihan umano niya ang pinaglalaban ng mga nag protesta sa Hong Kong ngunit naniniwala raw ito na magiging maayos din ang kalagayan sa pagitan ng gobyerno at ng mamamayan.

Umabot na sa 72 katao ang nasugatan kasunod ang malawakang protesta upang hindi maisakatuparan ang pagpayag ng Hong Kong na ibalik sa kani-kanilang mga teritoryo ang mga kriminal tulad ng China, Taiwan at Macau kung saan doon isasagawa ang paghahatol.

Una rito sa ulat ng Bombo International correspondent mula sa Hongkong na si Mar De Guzman, inaasahang titindi pa ang kilos portesta hangga’t hindi pa tuluyang iniaatras ang extradition bill.