-- Advertisements --
image 304

Inihayag ni Pangulong Joe Biden na kakausapin niya ang kanyang Chinese counterpart na si Xi Jinping matapos ang pagbaril ng US Air Force sa sinasabi ng Washington na isang high-tech na Chinese spy balloon noong nakaraang buwan.

Ayon kay US President inaasahan ng kanyang panig na malalaman nito ang tunay na dahilan ng umano’y Chinese spy balloon.

Binibigyang-diin din nito ang Estados Unidos ay hindi naghahanap ng isang bagong Cold War na kung saan nakatuon ang kanilang gobyerno upang protektahan ang interes at ang seguridad ng mga Amerikanong kanyang nasasakupan.

Ang United States ay nasa estado ng pagka-alarma mula nang ang spy-balloon mula sa China ay nakitang sumusubaybay sa isang lugar ng top-secret nuclear weapons bago ito binaril pababa sa labas lamang ng silangang baybayin ng naturang Estado.

Kasunod ng insidente, inayos ng militar ng United States ang mga setting ng kanilang radar upang maka-detect ng mas maliliit na mga bagay at kaagad na natuklasan ang 3 pang hindi pa nakikilalang sasakyang-dagat sa kanilang lugar.

Depensa naman ng China na ang lobo ay isang stray weather research craft lamang, ngunit sinabi ng mga opisyal ng US na mayroon silang tiyak na ebidensya na ang lobo ay ipinadala upang mag-espiya sa lugar.

Una na rito, ang insidente ay nag-udyok ng isang diplomatic rift kung saan ang Kalihim ng Estado na si Antony Blinken ay agad na kinansela ang isang nakatakdang pagbisita sa bansang China.