Makikipagpulong si US President Joe Biden si Chinese President Xi Jinping ngayong araw sa kauna-unahang pagkakataon ngayong buwan.
Inanunsyo ito ni Secretary Jen Psaki sa White House ilang araw matapos na magpahayag umano ang China na bukas ito sa pagtulong sa Russia sa pagbibigay ng tulong militar at pinansyal dito.
Ayon kay Psaki, ang tatalakayin ng dalawang pinuno ang pamamahala sa kumpetisyon sa pagitang kanilang mga bansa, ang nangyayaring digmaan ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine, at iba pang mga usapan na may kapwa alalahanin ng US at China.
Aniya ang naturang pagpupulong ay napagkasunduan ng dalawang panig sa ginawang meeting nina US national security adviser Jake Sullivan at Chinese top diplomat Yang Jiechi sa Roma noong Lunes.
Magugunita na una nang naglabas ng public at private warnings ang Biden administration laban sa China sa oras na magpaabot ito ng suporta sa digmaan na pinamunuan ni Russian President Vladimir Putin.