Sinagot ni US President Joe Biden ang mga batikos sa kanyang edad, at sinabing siya ay mananalo sa susunod na halalan sa Nobyembre matapos ang poor debate performance nito na nagdulot ng pag-aalala tungkol sa kanyang kandidatura.
Naniniwala si Biden na sa pamamagitan ng kanyang puso at kaluluwa ay makapagsisilbi pa rin siya sa susunod na termino.
Bagama’t hindi na bago ang mga tanong tungkol sa edad ng pangulo ng Amerika, ang kanyang shaky performance sa pakikipagdebate ang nag-trigger sa mga democrats na magtanong patungkol sa kanyang kandidatura.
At habang ang ilang mga kahalili ng kampanya – kabilang si Vice President Kamala Harris – ay inamin sa mga panayam na ang pangulo ay nag-utal sa debate ngunit binigyang-diin nila na mas may laman ang mga sagot ng pangulong kumpara kay dating Pangulong Donald Trump.
Samantala, sinabi naman ng dating pangulo na hindi siya naniniwala sa haka-haka na si Biden ay aalis sa karera, at sinabing siya ay “mas mahusay sa botohan” kumpara sa iba pang mga Democrat, kabilang ang Gobernador ng California na si Gavin Newsom at ang Bise-Presidente na si Kamala Harris.