Nahalal si Rep. Kevin McCarthy bilang US House speaker pagkatapos ng maraming araw ng negosasyon at 15 rounds of voting.
Ang nasabing election ay nagdulot ng kagulohan sa Kamara, kabilang ang isang pambihirang paghaharap sa pagitan ni McCarthy at Rep. Matt Gaetz sa ika-14 na round ng botohan.
Ito aniya ang pinakamahabang “speaker contest” sa loob ng 164 years.
Nakagawa rin ng kasaysayan si Democrat Rep. Hakeem Jeffries, na naging unang Black lawmaker na namuno sa isang partido sa Kongreso.
Nagpaabot naman ng kaniyang pagbati si US President Joe Biden sa tagumpay ni Speaker-elect Kevin McCarthy.
Ayon kay Biden nakahanda siyang makipagtulungan sa mga Republican at inaasahan din niyang ang mga Republican ay magiging handa na makipagtulungan din sa kaniya.
Ngayong napagdesisyunan na ang pamunuan ng House of Representatives, oras na para magsimula ang proseso.