Nagpahayag ng buong suporta si U.S. President Joe Biden at Australian Prime Minister Anthony Albanese sa 2016 Arbitral Ruling na pumabor sa Pilipinas kasunod ng ipinapakitang agresibong aksyon ng Chinese Vessel na nagresulta sa kuwalisyon nito sa barko ng Pilipinas.
Hindi pabor ang dalawang leader sa umano’y destabilizing na askyon ng China sa West Philippine Sea kabilang na ang pagharang nito sa mga routine maritime operation ng Pilipinas sa naturang rehiyon.
Binalaan rin ni Biden ang China na huwag nang makilahok sa mapanganib at labag sa batas na aktibidad laban sa Pilipinas .
Aniya, anumang pag-atake na gagawin ng China sa mga kalayadong bansa ng US ay mag-uudyok sa kanila na buhayin ang mutual defence treaty nito sa Pilipinas.
Ginawa ng dalawang lider ang pahayag kasunod ng mga panghaharas ng China sa mga Filipino Vessel sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ilan rin sa mga Chinese ships ang humaharang sa isinasagawang resupply mission ng Philippine government para sa mga sundalo nitong naka base sa Sierra Madre.
Patuloy namang iginigiit ng China na ang naturang lugar ay bahagi ng kanilang teretoryo.