-- Advertisements --
image 421

Nangako si US President Joe Biden na hindi kailanman makikita ng Russia ang tagumpay sa Ukraine sa gitna ng kanilang nagaganap na digmaan.

Ito’y matapos na maghatid ng isang pangunahing talumpati sa Warsaw ilang oras nang sabihin ni Russian President Vladimir Putin na ipagpapatuloy nito ang halos isang taon nitong opensiba sa militar.

Si Putin, sa kanyang taunang state-of-the-nation address, ay inakusahan ang West countries sa pagpapalaki ng labanan at inihayag na sususpindihin ng Kremlin ang pakikilahok sa New START nuclear arms treaty sa Washington.

Sinabi ng pangulo ng Russia na ang lalong mahigpit na mga parusa sa bansa ay hindi magtatagumpay at nangako ang kanyang bansa na patuloy na lalaban upang sistematikong makamit ang mga layunin nito sa naturang digmaan.

Sa pagsasalita makalipas ang ilang oras sa kabisera ng kaalyado ng NATO na Poland, nangako si Biden na hindi kailanman magiging tagumpay ang Russia laban sa Ukraine.

Una ng nagkaroon ng surprise visit si US President Joe Biden sa Kyiv sa Ukraine na nakipagpulong kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky at tinakalay din ang kasalukuyang nagaganap na digmaan ng dalawang bansa.