Nilagdaan na ni US President Joe Biden bilang batas ang isang panukalang batas na nagbibigay ng mga pederal na proteksyon sa same-sex marriage, kung saan maraming mga bisita ang nagtipon sa White House upang ipagdiwang ang legislative milestone.
Itinuring ang landmark na batas bilang tagumpay sa mga karapatan ng mga lesbian, gay, bisexual, transgender and queer o LGBTQ+.
Ayon kay US President Joe Biden, ang Amerika ay gumagawa ng isang mahalagang hakbang patungo sa pagkakapantay-pantay, para sa kalayaan at katarungan, hindi lamang para sa ilan, ngunit para sa lahat ng mamamayan nito.
Matapos bawiin ng Korte Suprema ng US ang matagal nang sinusulong na karapatan, kaliwa’t kanan kasi ang mga mambabatas na nais pigilan ang anumang kasunod na hakbang upang hadlangan ang mga karapatan sa same sex marriage.
Sa pagdiriwang ng paglagda sa nasabing batas, nagtipon si Biden kasama ang isang grupo ng mga Republican at Democratic lawmakers sa White House grounds, kasama ang mga advocates at plaintiffs sa mga kaso ng pagkakapantay-pantay ng kasal sa buong bansa.
Dagdag dito, Si Tammy Baldwin, ang kauna-unahang gay na senador ng US, ay nagsabi na siya ay lubos na nagagalak sa paglagda ng batas, na tinulungan niyang bumalangkas sa Kongreso.
Aniya, ang paglagda at pagsasabatas ng same sex marriage sa Amerika ay isang makasaysayan at isang paraan tungo sa pagbabago para sa mga milyun-milyong mga Amerikano.