Hindi raw nababahala si US President Donald Trump sa muling pagpapakawala ng North Korea ng kanilang missiles.
Ito ay ilang araw matapos pagbintangan ni national security adviser John Bolton na lumabag umano ang North Korea sa U.N Security Council resolution.
Si Bolton ang kauna-unahang US official na nagsabing may nilabag na batas ang North Korea.
Inamin din ni Trump na kumpyansa siyang mananatiling tapat si North Korean Leader Kim Jong Un sa kanyang pangako na hindi na ito muling magpapalipad ng missiles.
Ayon sa pangulo, dapat umanong magsilbing babala kay presidential candidate Joe Biden ang pang-iinsulto ni Kim sa kanya nang tawagin siya nitong “low-IQ individual.”
Sa kabila ng pag-amin ni Bolton na hindi pa ito nakakatanggap ng kahit anong update mula sa North Korea matapos ang hindi matagumpay na summit ng dalawang bansa sa Hanoi, sinigurado naman ng Trump administration na bukas pa rin ang kanilang pintuan para sa kahit anong negosasyon kasama ang nasabing bansa.
Suportado naman ni Bolton ang ginagawang paraan ng Japan upang makipagpulong sa North Korea ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkikita sina Abe at Kim.
Sa kabila ng pagtatanggol ni Trump kay Kim ay tila nagkakasundo naman ang dalawang pangulo dahil magkasama silang naglaro ng golf noong Linggo.