-- Advertisements --

Ipinaalam ni Bombo International Correspondent Edmond Barayuga, tubo ng bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte at kasalukuyang naninirahan sa Texas, USA na “neck-to-neck” ang survey ng presidential election sa Estados Unidos.

Aniya, base sa survey ay kaunti lamang ibinaba ni US President Donald Trump ngunit hindi umano pinaniniwalaan ng mga tao ang resulta dahil sa dami ng mga kumakalat na face news.

Ayon kay Barayuga, ang Texas ay Republican States rason para mas malakas parin si Trump sa nasabing estado kontra sa kalaban niyang si Democratic nominee Joe Biden.

Kaugnay nito, ipinaalam ni Barayuga na walang mga naging problema sa gitna ng pagboto ng mga tao maliban sa isinarang presinto na nagkaroon ng kaso ng covid-19.

Sinabi ni Barayuga na dahil dito ay maraming nadismaya dahil hindi sila nakaboto.

Samantala, dagdag ni Barayuga na ginagawa lahat ng Trump administration para malabanan ang covid-19 pandemic gaya ng pagbibigay ng gobyerno ng stimulus package at marami pang iba.