LA UNION – Excited na ang mga Filipino sa America na tunghayan ang isasagawang US Presidential Debate sa pagitan ni incumbent US President Donal Trump at dating US Vice President Joe Biden.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Bombo International News Correspondent Miss Ruth Gali, tubo ng Barangay Sta. East, Agoo, La Union at naninirahan na sa Sacramento California, bagamat may takot sila ay inaasahan nila na magiging matiwasay ang gaganapin debate kung saan may bagong rules na ipinatupad hinggil dito.
Ayon kay Gali, kung mapapanatili ni Biden ang lugar ng battle ground ay sigurado na mananalo ito laban kay Trump.
Bagama’t pwede rin aniya na maulit muli ang nangyari noong 2016 US Presidential Election kung saan nanalo si Trump laban kay Hillary Clinton sa pamamagitan ng electoral vote.
Inihayag pa nito na ngayon pa lang ay marami na ang pumapabor kay Biden na manalo bilang susunod na presidente ng America.
Isasagawa ang US Presidential Debate alas 7 ng gabi oras sa America.