Magkakaroon ng pag-uusap ang US at Israel para mapigilan ang pag-atake nito sa oil sites ng Iran bilang pagganti sa ginawang missile attacks ng Tehran.
Sinabi ni US President Joe Biden na hindi siya pabor na basta lamang umatake ang Israel sa Iran dahil tiyak na maraming mga sibilyan ang madadamay.
Binatikos naman ng Qatar ang ilang mga bansa dahil sa pagpapabaya ng paglawak ng kaguluhan sa Israel at Iran.
Sinabi ni Qatar’s Emir Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani na ang kapabayaan ng international community ay siyang nagdulot ng paglawak ng kaguluhan sa Gaza.
Sa mga nagdaang araw kasi ay tinarget ng Israel ang mga medical facilities at TV stations sa Beirut.
Ipinagmalaki pa ng Israel Defense forces kanilang tinamaan ang intelligence office ng Hezbollah sa Beirut.