-- Advertisements --

Puputulin na umano ng Estados Unidos ang kanilang aid sa tinaguriang “Northern Triangle,” na binubuo ng mga bansang El Salvador, Guatemala at Honduras sa Central America.

Pahayag ito ng State Department isang araw matapos sabihin ni President Donald Trump na nag-set up na umano sila ng migrant caravans para sa pagpasok sa US.

“At the Secretary’s instruction, we are carrying out the President’s direction and ending FY 2017 and FY 2018 foreign assistance programs for the Northern Triangle,” pahayag ng isang tagapagsalita ng State Department. “We will be engaging Congress as part of this process.”

Nitong Miyerkules nang lagdaan ni Department of Homeland Security Secretary Kirstjen Nielsen ang isang regional compact agreement sa pagitan ng Washington at Northern Triangle countries.

Layon umano nitong mapigilan ang irregular migration, masugpo ang criminal organizations at makaagapay sa US border security. (CNN)