-- Advertisements --

Nanawagan ang US, Qatar at Egypt sa Israel at Hamas na ituloy ang agarang pag-uusap.

Ayon sa nabanggit na mga bansa na nagsisilbing mga mediator na maaring isagawa sa Agosto 15 ang pag-uusap sa Doha o sa Cairo.

Layon nito ay para tuluyang mapunan ang mga natitirang pagkukulang sa ceasefire agreement.

Giit nila na napapanahon na para ipagpatuloy ang ceasefire agreement at tuluyang pakawalan ang mga bihag ganun din ang mga preso ng magkabilang panig.

Ilang buwan na rin aniya silang nagtrabaho para maabot ang framework agreement at ngayon ay nasa mesa na ito at mayroong detalye ng pag-implementa ang nawawala.