-- Advertisements --

Naghain ng divorce ang US rapper na si Cardi B sa kaniyang asawang si Offset.

Kinumpirma ito ng kampo ng rapper subalit hindi na nagbigay pa ng anumang detalye.

Hiningi rin nito sa korte ang pangunahing pag kustodiya sa dalawang anak nila na sina Kulture na anim na taong gulang at Wave na dalawang taong gulang.

Taong 2017 ng ikinasal ang dalawa at unang nagsampa rin ito ng divorce noong Setyembre 2020 matapos ang tatlong taon na magulong samahan.

Kasabay din nito ay kinumpirma ni Cardi B na siya ay nagdadalang tao sa pangatlo nilang anak.

Sa social media account nito ay ibinahagi ang pagbubuntis kung saan binanggit lamang niya dito ang kaniyang dalawang anak na may aalagaan na.