-- Advertisements --

Inanunisyo ng rapper na si Kanye West na ito ay muling naging bilyonaryo.

Sa social media account nito ay nagpost ito ng pahayag ng Eton Ventures na isang business valuation company.

Nakasaad sa nasabing kumpanya na ang halaga ng rapper ngayon ay $2.77 bilyon.

Ibinase ng kumpanya ang kahalagahan sa ‘music portfolio” at ang pagiging solong pagmamay-ari ng Yeezy trademark.

Noong nakaraang taon kasi ay itinala ng Forbes magazine na mayroon kabuuang $400 milyon na yaman ang US rapper.

Sakaling umabot na sa $2.77-B ang kaniyang halaga ay tiyak na nahigitan na niya si Jay-Z namayroong $2.5-B na yaman ganun din ang yaman ng dati nitong asawa na si Kim Kardashian mayroong $1-B.