-- Advertisements --

Naghain na sa korte ang rapper na si Kanye West para palitan ang kaniyang pangalan sa “Ye”.

Ayon mga dokumentong isinumite niya sa korte sa Los Angeles na “personal reasons”.

Dagdag pa nito na noong tatlong taon na ang nakakaraan ay binalak na niyang magpalit ng pangalan matapos na ilabas ang album nitong Ye.

Paliwanag pa ng 44-anyos na rapper na ang salitang “Ye” ay laging ginagamit sa bibliya.

Sa susunod na buwan ay nakatakdang ilabas nito ang bagong album na “Donda” na isinunod sa pangalan ng ina.

Nasa kalagitnaan na rin ito sa divorce sa kaniyang asawang si Kim Kardashian at nagbabalak din na tumakbong pangulo ng US sa 2024 matapos na makakuha ng mahigit 60,000 na boto noong 2020.