-- Advertisements --

Hindi na makakasama as Strawberries and Creim Festival sa United Kingdom ang American rapper na si Lil Wayne.

Ito ay matapos na hindi siya payagang makapasok sa UK dahil sa kasong kinakaharap niya noon.

Matatandaan noong 2011 ay hindi na natuloy ang UK concert tour ng 39-anyos na rapper matapos na kanselahin ng UK border authorities ang kaniyang visa applications.

Noong 2010 kasi ay hinatulan itong makulong ng isang taon matapos na makitaan siya ng baril.

Inaresto ito noong 2007 ng makita ang baril sa kaniyang tour bus.

Noong Disyembre 2019 ay nakitaan rin ito ng baril at mga bala sa kaniyang private plane sa Miami na maaring makulong ito ng hanggang 10 taon.

Nagawaran naman ito ng presidential pardon ni dating US President Donald Trump noong 2019.

Ang Strawberries and Creem ay nagsimula noong pang 2014 na gaganapin sa Childerley Orchard sa Cambridge.