-- Advertisements --

Kinansela ng American rapper na si Macklemore ang nakatakda nitong mga show sa Dubai, United Arab Emirates sa buwan ng Oktubre.

Kasunod ito sa naging awayan Dubai at Sudan.

Sinabi nito na maraming mga fans ang nanawagan noon pa na kanselahin na ang konsyerto bilang pakikiramay na rin sa mga mamamayan ng Sudan.

Ikinadismaya din ng rapper ang pagsuporta ng UAE sa paramlitary Rapid Support Forces (RSF) ng Sudan na kalaban ng mga Sudanese army.

Dagdag pa nito na hanggat hindi titigil ang UAE sa pag-armas at pagpondo sa RSF ay hindi ito magtatanghal doon.