-- Advertisements --
MEEK Mill 2
Meek Mill/ IG post

Tuluyan ng natapos ang kasong misdemeanor gun charge ng rapper na si Meek Mill matapos na ito ay maghain ng guilty plea at ito ay nakalaya na.

Dahil dito sinabi ni judge Leon Tucker na ang dalawang taon na pananatili ng rapper sa kulungan ay sapat na.

Nabigyan kasi ng bagong pagdinig sa kaso noong Hulyo ang US rapper matapos na kontrahin ng judge ang kaso nito noong 2008 dahil sa credibility issues sa mga pulis na umaresto dito.

https://twitter.com/MeekMill/status/1166356041073868802

Ayon naman kay Meek Miil o Robert Rihmeek Williams, na ang nasabing kaso ay naging emotionally and mentally challenging sa kaniya.

Taong 2009 ng ito ay nakulong matapos na arestuhin sa gun and drug charges.

Matapos ang limang buwan ay nabigyan siya ng parole at 10-year probation period.

Muling naaresto ito noong August 2017 sa kasong reckless driving ng magmaneho ng dirt bike habang ginagawa ang music video.

Nakulong ng limang buwan at nakalaya noong Abril 2018.