-- Advertisements --
Ibinahagi ng rapper na si Drake ang kaniyang naging regalo sa sarili.
Nitong Oktubre 24 kasi ay nagdiwang ang rapper ng kaniyang ika-35 kaarawan at bilang regalo sa sarili ay bumili ito ng relo na nagkakahalaga ng $5.5- milyon o katumbas ng P275-million.
Ang ultra-rare Richard Mille watch ay ginawa noong 2019.
Nabili ng rapper ang relo sa Pristine Jewelers sa New York City diamond district.
Nagpost pa ito kasama ang may-ari ng Pristine Jewelers na si Ofir Ben Shimon.