-- Advertisements --
Nagsampa ng kaso ang rapper na si Drake laban sa record label na Unversal Music dahil sa paglabas ng kantang “Not Like Us” ni Kendrick Lamar.
Isinabay kasi na inilabas ang kanta sa kasagsagan ng hindi pagkakaintindihan nilang dalawa.
Dagdag pa nito na maaring ipagpaliban muna nila ang paglabas ng kanta.
Inakusahan pa niya ang nasabing record company ng defamation at pagbibintang sa kaniya bilang sex offenders.
Ang nasabing kaso ay isinampa sa korte sa New York kung saan ayon sa abogado nito na sinamantala ng record company ang pagkakataon para kumita ng pera.
Mariing pinabulaanan naman ng record kumpany ang akusasyon na ito ng singer at tinawag na offensive at kasinungalingan.