-- Advertisements --
Inanunsiyo ng rapper na si Drake na magpapahinga muna ito sa larangan ng musika para tutukan ang kaniyang kalusugan.
Isinabay nito ang anunsiyo sa paglabas ng kaniyang bagong album na “Table for One” .
Sinabi nito mahalaga talaga sa isang tao na dapat pangalagaan ang kalusugan.
Nakakaranas kasi ito ng pananakit sa tiyan na hindi naman nito isinawalat pa ang ibang detalye.
Kasabay din nito ay kinansela na rin niya ang ilang mga nakatakdang pagtatanghal sa iba’t-ibang bahagi ng US.