-- Advertisements --

Nagsalita ang American rapper na si Lil Wayne matapos na hindi siya mapili na magtanghal sa 2025 Super Bowl Halftime Show.

Sa social media nito ay ibinahagi niya sa mga fans ang labis na kalungkutan sa hindi pagpili.

Nag-ipon umano muna siya ng lakas ng loob para tuluyang makapagsalita.

Inamin niyang napakasakit ang hindi mapili lalo na residente siya ng New Orleans ang lugar kung saan gaganapin ang Super Bowl.

Sinisi rin nito ang kaniyang sarili na hindi siya nakapaghanda mentally kapag hindi siya napili.

Pinasalamatan nito ang kaniyang mga kaanak, kaibigan at mga fans dahil sa ipinakitang suporta sa kaniya.

Magugunitang napili ng SuperBowl si Kendrick Lamar na isa sa mga magtatanghal ng Halftime Show.