-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad sa Paris ang American rapper na si Travis Scott dahil sa pakikipag-away sa mga guardiya ng hotel.

Base sa mga otoridad na inatake umano ng 33-anyos na rapper ang security guard sa George V hotel.

Nasa Paris ang rapper dahil nanood ito sa laban ng USA basketball team at Serbia sa Olympics.

Kasama nito ang American businessman Michael Rubin at kapwa rapper na si Quavo.

Nitong mga nagdaang mga buwan ay inaresto na ito sa Miami dahil sa pakikipag-away sa private yacht.

Taong 2021 ng 10 mga fans nito ang nasawi dahil sa pagsisiksikang naganap sa Astroworld festival sa Houston, Texas.