-- Advertisements --

Napatunayang may pananagutan ang American rapper na si Soulja Boy sa kasong sexual assault na ipinataw sa kaniya.

Ayon sa judge ng korte sa Los Angeles na matibay ang kanilang hawak na ebidensiya sa kasong isinampa ng kaniyang dating personal assistant.

Ang mga kaso ay kinabibilangan ng assault, sexual battery at intentional infliction of emotional distress.

Inatasan ito ng korte na pagbayaran siya ng $1.5 milyon para sa damyos sa kasong sexual battery at dagdag na $1.325-M para sa intentional infliction of emotiional distress.

Ang hindi nagpakilalang biktima ay humihingi ng $73.5-Mna damyos para sa paggamot kung saan nagtrabaho ito sa rapper mula 2019 hanggang 2020.