-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan sa Miami ang rapper na si Travis Scott dahil sa pagwawala at trespassing.

Ikinulong agad ang American rapper sa Miami Beach Marina dahil sa insindente.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na may tumawag sa kanilang opisina dahil sa panggugulo ng 33-anyos na rapper na si Jacques Bermon Webster sa tunay na buhay.

Nakausap nila ang rapper at pinapaalis sa Yate kung saan ito nanggugulo pero nagmatigas pa rin siya.

Ang 10-tim Grammy Award nomine ay karelasyon ang reality actress na si Kylie Jenner kung saan mayroon silang dalawang anak.

Noong 2021 ay 10 fans nito ang nasawi dahil sa siksikan sa kaniyang Scott’s Astroworld festival sa Houston, Texas.

Hindi siya nasampahan ng kaso noon pero kabilang ito sa civil case.