-- Advertisements --

Nakatakdang magtangal sa Billboard Music Award ang rapper na si Travis Scott.

Itinuturing na ito ang una niyang pagtatanghal ng rapper matapos ang naganap na stampede sa Astroworld Festival sa Houston noong Nobyembre na ikinasawi ng 10 katao at ikinasugat ng ilang libong iba pa.

Mismong si Sean “Diddy” Combs ang excutive producer at host ng nasabing award ngayong taon ang humiling na dapat isama si Travis na magtanghal.

Magugunitang mula noong naganap ang aksidente ay nagtatanghal na lamang sa mga maliliit na events ang rapper.

Gaganapin ang Billboard Music Award sa Mayo 16 ng umaga oras sa Pilipinas.