-- Advertisements --

Patay matapos pagbabarilin ang US rapper na si Young Dolph.

Base sa imbestigasyon ng Memphis police na binaril ang biktima habang ito ay nasa bilihan ng cookies.

Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng isang kotse.

Noong nakaraang 2017 ay nakaligtas ang rapper ng ito ay pagbabarilin sa isang shoe store sa Hollywood subalit ito ay nakaligtas ng hindi grabe ang tama nito sa katawan.

Sa taong din iyon ay pinagbabaril ng mahigit 100 beses ang kaniyang SUV habang ito ay nasa Charlotte.

Sinabi nito na marami sa kaniya ang naiingit dahil sa pagiging sikat at mayaman.