Tuluyan ng tinapos ni Hawaii Rep. Tulsi Gabbard ang kaniyang presidential campaign at sa halip ay inindorso na lamang si dating Vice President Joe Biden.
Sinabi nito na dahil may magandang kalooban ang dating pangalawang pangulo at naipakita ang pagmamahal sa bansa kaya nararapat na ito ay iboto.
Ang resulta ng primary election noong Martes kung saan nakuha ni Biden ang panalo sa Arizona, Florida, Illinois ay malinaw na nagpapakita na pinili ng mga botante si Biden na siyang makakatalo kay US President Donald Trump sa general election.
Isa ring dahilan sa pag-atras nito ay ang nagaganap na coronavirus pandemic kung saan nararapat na magtulungan ang mga tao para labanan ang virus.
Magugunitang noong 2016 ay sinuportahan ni Gabbard si Vermont Senator Bernie Sanders.