-- Advertisements --
Rashida Tlaib
Rashida Tlaib./ IG post

Hindi na tinanggap ni US Representative Rashida Tlaib ang alok ng Israel na payagan siyang dalawin ang kaniyang lola sa West Bank.

Sinabi ng mambabatas na nawalan na ito ng gana at ayaw na pumunta dahil lamang sa nasabing kondisyon.

Nauna nang hindi na ito pinayagan kasama ang isang Democratic congresswoman na si Ilhan Omar dahil sa pagiging kritiko ng Israel na komontra sa mga polisiyang ipinapatupad nila sa Palestine.

Nakatakda sanang magsagawa ng official visit ang dalawang mambabatas sa susunod na buwan subalit dahil sa naging panghihikayat ni US President Donald Trump sa Israel ay hindi na sila pinayagan.