-- Advertisements --
Nababahala ngayon ang ilang analyst sa posibleng pag-igting pa ng tensyon sa pagitan ng United States at Russia.
Ito ay matapos kumpirmahin ng Pentagon na nagsagawa sila ng missile test sa isang modified ground-launched version ng Navy Tomahawk cruise missile.
Isinagawa ang naturang test sa San Nicolas Island at matagumpay din daw nitong napabagsak ang target matapos lumipad ng 500 kilometers o 310 miles.
Kamakailan lamang ng tuluyan nang talikuran ng US at Russia ang halos 30 taon na nilang kasunduan.
Ayon naman sa administrayon ni US President Donald Trump, patuloy umano silang magiging interesado sa pagkontrol ng mga armas.