Nanawagan ngayon si US Secretary of State Mike Pompeo sa kanilang Russian counterpart na si Sergey Lavrov na pag-usapan ang isyu sa Venezuela partikular sa tangkang kudeta na layong patalsikin si President Nicolas Maduro.
Hinimok din nito ang Moscow na tigilan na ang pagsuporta sa Maduro government.
Pero sa statement umano ng Russian Foreign Ministry, nagbabala raw si Lavrov kay Pompeo laban sa “grave consequences” sa kanilang hakbang sa naganap na demonstration sa Caracas.
Maalalang noong Martes ay idinelara ni Venezuelan opposition leader Juan Guaido ang kanyang sarili bilang interim president at nanawagan sa mga Venezuelan at militar na magsagawa ng protesta para puwersahing patalsikin si Maduro.
Kahapon ay naghayag ng suporta ang Estados Unidos sa Venezuelan opposition leader na magiging susunod na presidente sa naturang bansa.
Pero tinawanan lamang ni Maduro ang tangkang kudeta at isinalarawan pa ito ni Venezuelan Defense Minister Vladimir Padrino Lopez na “very small” at “insignificant.”