Pinaplano ng Amerika na gamitin ang mga masasamsam na assets ng Russia para sa pagpopondo sa reconstruction ng Ukraine.
Ito ang binigyang-diin ni US Secretary of State Antony Blinken sa kaniyang pakikipagpulong kay Ukraine Pres. Volodomyr Zelensky sa kaniyang surprise trip sa Kyiv nitong Martes.
Aniya, binigyan aniya sila ng US Congress ng kapangyarihan na kumpiskahin ang Russian assets sa Amerika.
Sinabi din ng US official na anuman ang sinira ni Russian President Putin ay dapat na pagbayaran ng Russia para sa muling pagtatatag ng mga nasirang imprastruktura sa Ukraine dahil sa giyera.
Sinabi din ni Blinken na nakikipagtulungan na ang US sa iba pang G7 countries para gawin din ang pag-immobilize sa sovereign assets ng Russia.
Maaaring makalikom ng bilyong dolyar ang G7 bagamat wala namang ibinigay na timeline si Blinken kung kailan posibleng maisakatuparan ang naturang inisyatibo.