-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa Ukraine si US Secretary of State Antony Blinken.
Makikipagpulong si Blinken kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy at Foreign Minister Dmytro Kuleba sa Enero 19.
Inaasahan na isa sa mga tatalakayin nila ang balak na pag-atake ng Russia kung saan naglagay ang mga ito ng ilang libong sundalo sa border nila ng Ukraine.
Matapos ang pagbisita sa Ukraine ay magtutungo si Blinken sa Berlin para makipagpulong kay German Foreign Minister Annalena Baerbock.
Magugunitang walang naganap na kasunduan ang ginanap na pagpupulong ng US at Russia noong nakaraang linggo.
Nauna ng binalaan ng US ang Russia na mahaharap ang mga ito sa mabigat na parusa kapag itinuloy nila ang pag-atake sa Ukraine.