-- Advertisements --
Nasa Australia ngayon si US Secretary of State Antony Blinken para makipagpulong sa Asia-Pacific allies.
Isa sa posibleng tatalakayin nito ay ang patuloy na pagpapalakas ng China ng kanilang militar.
Kabilang sa pagpupulong ang mga matataas na opisyal ng Japan, Australia at India.
Itinaguyod noon pang 2007 ang Quadrilateral Security Dialogue o Quad na sinimula sa pamamagitan ng US-India-Japan naval exercise sa Indian Ocean o tinawag na Malabar Exercises.
Sinabi ni Marise Payne ang minister for foreign affairs ng Australia na nakatuon din ang pagpupulong sa vaccine distributin, cyber and critical technology, countering malicious disinformation, counterterroirism at climate change.