-- Advertisements --
Nakapulong ni US Secretary of State Antony Blinken si Iraq Prime Minister Mohammed Shia al-Sudani.
Ang nasabing pagbisita ni Blinken ay isang surpresa kung saan tinalakay ang magiging kinabukasn ng katabing bansa ng Iraq na Syria.
Bago nito ay binisita rin ni Blinken ang US Embassy sa Iraqi capital para sa kaniyang final stop ng tour of the Middle East matapos ang pagpapatalsik kay Syrian President Bashar al-Assad.
Giit ni Blinken na dapat ang Syria ay hindi maging “platform para sa terrorismo”.
Pagtitiyak nito na magtutulungan sila ng Iraq para matigilan ang anumang pananalasa ng terorismo.