-- Advertisements --

Plano ni US Secretary of State Marco Rubio na bumisita sa Middle East sa mga susunod na linggo.

Isasagawa ito sa pagkatapos niyang dumalo sa Munich security conference sa darating na Pebrero 14.

Ilan sa mga nakatakdang bibisitahin nito ay ang Israel, United Arab Emirates, Saudi Arabia at ilang mga bansa.

Una ng ipinagtanggol nito ang pahayag ni US President Donald Trump na hahawakan na nila ang Gaza at ang mga Palestino na nasa Gaza ay dapat magtungo na sa kalapit na bansa.

Dahil dito ay hinikayat din ni Rubio ang mga apektadong bansa na lumapit sa kanila at magpahayag ng mga karampatang solusyon.