Nakatutok ngayon ang US Secret Service sa posibilidad na may mangyaring pang-aatake sa loob ng US Capitol mula mismo sa miyembro ng National Guard na i-dineploy sa Washington D.C na siyang magbabantay sa seguridad sa inagurasyon ni President-elect Joe Biden.
Nakikipag-ugnayan na ang US Army sa Secret Service upang matukoy kung kinakailangang isailalim sa karagdagang background screening ang 25,000 National Guard troops.
Ang lahat umano ng service members ay familiar sa “Threat Awareness and Reporting Program” na kinakailangang mga tauhan ng departamento ay mag-uulat ng anumang impormasyon tungkol sa kilala o hinihinalang ekstremistang pag-uugali na maaaring maging banta sa departamento o sa Amerika.
Nauna nang kinumpirma ng Pentagon na dodoblehin nila ang bilang ng mga tropa na ide-deploy sa US Capitol kumpara sa tropa na i-dineploy sa Iraq at Afghanistan.
Napag-alaman na napapalibutan na ng mga bakod ang US Capitol at walang papayagang mga protesters ang makakapasok dito matapos lumabas ang banta ng armed protest. (with reports from Bombo Jane Buna)