-- Advertisements --

Nagbitiw na sa kaniyang puwesto si U.S. Secret Service Director Kimberly Cheatle.

Kasunod ito sa batikos na natanggap ng kaniyang ahensiya dahil sa bigong mapigilan ang assasination attempt kay dating US President Donald Trump.

Una rito ay dumalo si Cheatle sa ginawang oversight investigation ng US Congress ukol sa insidente.

Inako ni Cheatle ang lahat ng kapalpakan sa nangyaring tangkang pagpatay kay Trump.