-- Advertisements --
Sinibak na rin ni US President Donald Trump ang director ng Secret Service.
Naganap ang pagsibak kay Secret Service Director Randolph “Tex” Alles isang araw matapos na magbitiw sa kaniyang puwesto si Homeland Security Secretary Kirstjen Nielsen.
Sinabi ni Trump na ang hakbang na ito ay bahagi ng pagbabago niya ng polisiya.
Papalit naman si James Murray na isang Secret Service agent na siyang magte-take over sa Secret Service sa buwan ng Mayo.
Ang nasabing pagtanggal kay Alles ay kabilang na sa humahabang pila ng mga taga-gabinete ni Trump na nagbitiw kabilang na ang secretaries of state, defense, homeland security, interior, veterans affairs, healt and human services, attorney general at ilang mga senior White House aides.