Nakarating na sa Pilipinas si United States Secretary of Defense Lloyd Austin.
Ito ay baghagi pa rin ng serye ng kaniyang pagtungo sa iba’t-ibang bansa sa buong Asya.
Tanggapan ng Armed Forces of the Philippines – Western Mindanao Command (AFP-WESMINCOM) sa Camp Basilio Navarro sa Zamboanga City ang unang binisita ng US official kung saan siya sinalubong nila AFP Chief of Staff, Gen. Andres Centino kasama si WESMINCOM Chief, LtGen. Roy Galido.
Ayon kay LTGen Galido, kabilang sa mga napag-usapan sa pagbisita ni Austin sa kanilang tanggapan ang mas matibay na “working relationship ng Pilipinas at Amerika.
Aniya, layon din ng pagbisita ng US official na tumulong sa mga misyon ng tropa lalo na sa usapin ng counter terrorism at Humanitarian Assistance and Disaster Relief.
Samantala, nilinaw naman ni Galido na ang lahat ng mga aktibidad na ito ay bahagi pa rin ng mutual defense agreement ng dalawang hukbo ng Pilipinas at Estados Unidos.
Kung maaalala, una rito ay nagtungo muna si Sec. Austin sa South Korea upang bumisita rin na bahagi ng layunin nitong palakain din ang alyansa nito sa Amerika.