-- Advertisements --
Surpresang binisita ni US Defense Secretary Lloyd Austin ang Afghanistan.
Sa unang pagkakataon na pagbisita nito sa nasabing bansa ay nakipagpulong siya kay Afghan President Ashraf Ghani at ibang mga opisyal.
Mula sa India ay nagsagawa ito ng hindi surpresang pagibisita sa Afghanistan.
Ang nasabing pagbisita ay para pagdesisyunan ang naging kasunduan noon ni dating US President Donald Trump at Taliban na tanggalin ang lahat ng mga US froces pagdating ng Mayo 1.
Nauna ng sinabi ni Austin na wala pang pinal na desisyon si US President Joe Biden sa nasabing usapin.
Noong nakaraang linggo binanggit ni Biden na nais niyang palawigin ng hanggang anim na buwan ang pananatili ng mga sundalong Amerikano sa Afghanistan.