-- Advertisements --

Dumating na sa Israel si US Secretary of State Antony Blinken para isulong ang ceasefire at pagpapalaya ng mga bihag sa Gaza.

Ito na ang pang-siyam na biyahe ni Blinken mula ng sumiklab ang kaguluhan noong Oktubre ng nakaraang taon.

Makailang beses na rin nitong isinulong ang nasabing peacedeal sa pagitang ng Hamas at Israel.

Una ng sinabi ng US na nagkakaroon na ng magandang resulta ang ginagawang pag-uusap ng mga mediator na pinamumunuan ng Egypt at Qatar.