-- Advertisements --

Nagtungo sa Indonesia si US Secretary of State Antony Blinken bilang bahagi ng kaniyang Southeast Asia trip nito mula noong maupo sa puwesto si US President Joe Biden.

Makikipagpulong ito kay President Joko Widodo at magbibigay ng talumpati sa US Indo-Pacific strategy.

Magtutungo rin si Blinken sa Malaysia at Thailand matapos ang pagbisita nito sa Jakarta ang capital ng Indonesia.

Layon ng pagbisita ay para mapalakas ang ugnayan ng US at nasabing rehiyon na siyang nagiging battleground sa pagitan ng Washington at Beijing.