-- Advertisements --
Plano ng United States Secretary of State na si Marco Rubio na bumisita sa Pilipinas sa susunod na buwan upang patibayin ang kahalagahan ng alyansang Pilipinas-US sa ilalim ng administrasyon ni US President Donald Trump.
Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, wala pang tiyak na petsa para sa pagbisita ni Rubio, ngunit sinabi niyang maaari itong bumisita sa Abril.
Una na rito, bibisita rin si US Defense Secretary Pete Hegseth sa Maynila sa Marso 28, na magiging kauna-unahang pagkakataon na isang Pentagon chief ang bumisita sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Romualdez na posibleng magkaroon ng schedule para sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos.