-- Advertisements --
Hindi pa rin kinikilala ni US Secretary of State Mike Pompeo si President-elect Joe Biden.
Sinabi nito na nanonood ang buong mundo kaya dapat ay muling bilangin ang mga balota para malaman ang tunay na nanalo sa nakaraang halalan.
Tumanggi rin itong direktang sagutin kung naniniwala siyang mayroong nangyaring dayaan sa katatapos na halalan at isinagot na lamang ang mga salitang “legal na proseso silang sinusunod.”
Magugunitang hindi pa rin tinatanggap ni US President Donald Trump ang kaniyang pagkatalo sa nakaraang halalan.