-- Advertisements --

Nilinaw ni US Secretary of State Marco Rubio na ‘temporary’ lang ang relocation ng mamamayan ng Gaza.

Ito ay kasunod ng pahayag ni US President Donald Trump na iti-take over ng US ang Gaza at ire-relocate ang milyun-milyong mga Palestino na naninirahan doon, bagay na umani naman ng batikos mula sa United Nations, human rights groups at Arab leaders.

Sinabi din ni Trump noong Martes na ang displacement ng mga mamamayan ng Gaza ay permanente.

Pero sa kaniyang biyahe patungong Guatemala, ipinagtanggol ni Rubio ang panukala ni Trump at sinabing hindi ito masama sa halip isa aniya itong generous move na nagpapakita ng kahandaan ng Amerika na maging akuin ang responsibilidad sa muling pagtatayo ng naturang teritoryo.

Aniya, ang naturang ideya ay para lisanin ng Gazans ang teritoryo para sa “interim” period habang nililinis pa ang mga naiwang debris dahil sa giyera at maisagawa ang reconstruction.

Nilinaw din ni White House spokesman Karoline Leavitt ang naging pahayag ni Trump at ipinaliwanag na hindi pinaplano ng US na magpadala ng combat troops sa Gaza.