-- Advertisements --

Nasa bansa na ngayon si US Secretary of State Rex Tillerson para lumahok sa diplomatic meetings kasama ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Dumating kagabi si Tillerson kung saan sinalubong ito ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim at ilang mga opisyal ng Philippine government.

Sa official Facebook page ng US Embassy, nasa Pilipinas si Secretary Tillerson para dumalo sa ASEAN Regional Forum, the East Asia Summit Ministerial, the U.S.-ASEAN Ministerial, and the Lower Mekong Initiative Ministerial.

Makikipag pulong din si Tillerson sa mga counterparts para talakayin ang mga isyu kabilang ang denuclearization of the Korean Peninsula, maritime security, at counterterrorism.

Samantala, ayon naman sa Department of Foreign Affairs (DFA) na nakatakda ding pag usapan ang human rights issues kay Tillerson sakaling tatanungin nito ang nasabing isyu.

Sa kabilang dako, wala namang iskeyul si Tillerson na makikipagpulong kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sa pakikipag ugnayan ng Bombo Radyo kay Sec. Lorenzana kaniyang sinabi na wala siyang iskedyul na meeting kay Secretary Tillerson.